Meron akong nabasa na isang isinulat sa Facebook. Hindi daw sya writer o blogger ayon sa isa pa nyang sinulat, (kaya ba ibig sabihin nun ay wala na sya pakialam sa pag gamit ng past,present and future tense?)

Anyway, ako’y magsusulat sa paraan na madali maintindihan para sa mga kagaya nya. (eto nanaman ako, wag nyo ko ipapatay please)

Isa syang businessman na nagtayo ng sarili nyang kumpanya. Sya ay dating ahente ng isang malaking kumpanya. Mainam na sya ay may sariling tiyaga at determinasyon na umunlad sa buhay. Nakakalungkot nga lang, na maaga sa kanyang buhay bilang isang negosyante ay puno na sya ng gahaman at ganid. Contradicting dahil sinasabi nyang Eat,Pray,Love ni Elizabeth Gilbert ang paborito nyang libro at “Christian” daw sya.

Saan mo man aralin at basahin, sa pilosopiya ng kanluran (Nietzsche, Hegel, Focault) o silangan (Lao Tzu, Confucious, Sun Tzu) ang mga  bagay na importante sa buhay ay pare-pareho lamang- pag-mamahal sa kapwa, pagtulong sa kapwa at pagbibigay ng sarili sa abot ng iyong makakaya sa ikabubuti ng karamihan. Hindi ang kumita ng pera at yumaman.

Alam natin na ang mga tunay na masasabing mayaman ay yumaman gamit ang talino at diskarte, pero ginusto muna nila ang ginagawa nila, at ginusto muna nila ng pagbabago, pag-ibig, pagtulong, at pagbigay ng sarili sa ikabubuti ng nakararami o isa man dito. Yun parin ang puno’t dulo ng pagyaman kahit anong debate mo.

Nakakalungkot na ang mga kabataang negosyante na kagaya ng tinutukoy ko ay ganito ang takbo ng pag-iisip – ang kumita ng limpak limpak na salapi. Kung ang kikitain mo ay sasabihin mong ginagamit mo para tumulong sa mahirap, isipin mo rin ang mataas na presyo ng iyong serbisyo o produkto na nagpapahirap rin sa karamihan. Hindi ako komunista or sosyalista, pero hindi rin ako sang-ayon sa gahaman at ganid na paraan ng kapitalismo. Malaki ba ang pa-sweldo mo sa tauhan mo, at angkop ba sa trabaho na ipinapagawa mo sa kanila? O binubulsa mo ang karamihan sa kita nila?

Itong mga ganitong tao ang magpapatuloy ng kultura ng ganid sa mundo.

1. Sila ang papalit sa mga gahaman na oil companies na panay ang pataw ng mataas na presyo ng langis kahit marami pa namang naka-imbak na surplus. May magpaputok lang ng baril sa Middle East, itataas na agad ang presyo, e hindi naman ang gas na ilalagay mo sa kotse mo bukas ay galing sa Middle East kahapon, may stock tayo at kaya ito i-adjust ng gobyerno kung tutuusin (at walang mga patong at lagay)

Tumataas din ba ang sweldo at ang mga benepisyo ng mga gasoline boy sa pagtaas nila ng presyo?

2. Sila ang mga papalit sa mga power at mining companies na gahaman magtayo at magtayo ng planta di baleng masira ang kalikasan basta may kinikitang pera.

Dahil ba mahal ang Renewable Energy na mga planta, dun ka nalang sa mas mura, pero mas maraming magkakasakit at mamamatay, at dahil nauubos ito tuloy tuloy ang kita mo sa bumibili?

3. Sila ang mga papalit sa mga local government public works na panay ang sira ng sira, at hukay ng hukay ng daan bawat taon nalang para sa malaking kick-back. Di ba pwedeng isa-isa lang ang gawa at magkaroon ng pakundangan sa mga gumagamit ng daan gaya ng mga motorista at mga papasok sa trabaho at paaralan?

Dapat ba sabay sabay gagawin para wala ng madaanan at iba-ibang kontraktor ang gagawa para mataas ang ibigay na budget? Mas mahirap ata i-liquidate pag madami ang sabay-sabay na ginagawa at iba-ibang kontraktor ang sisira ng daan. (read: Marcos Highway)

Kung titingnan mo, lahat ng problema ng bayan ay isa lang ang ugat. Ganid at gahaman.

Sana lang totoo at hindi sakit-sakitan yung mga sakit na dumadapo (at mukang nagkakahawaan kapag pareho ng apelyido) sa mga taong suspestsang gahaman.

Advertisements

6 responses »

  1. C.Seamus says:

    earning for one’s self and one’s family is enough. but continually wanting more, more and more isn’t right anymore. milking people for their money, and taking advantage of cheap labor should stop. i support the occupy wallstreet movement. it’s time, for “occupy manila”. end corporate greed. end the cycle of evil and corruption.

  2. Agree ako diyan. Sa pilipinas na nga lang, hindi ko maintindihan kung bakit hindi parin tayo umuunlad, gayong magaganda naman ang mga proyekto at mga batas na ginagawa. At naniniwala ako na isa sa mga sanhi niyan ay ang pagiging kurakot. Inuuna ang sarili. Ang masama sa lahat, ang galing ng mga nilang magmalinis.

    • C.Seamus says:

      naiintindihan ko yung mga matatanda na kurakot, yung ilang taon na naghirap at nagsakripisyo, kaya ganun sila ka attached sa personal wealth nila. ang di ko maintindihan yung mga ka-age natin na may mga bagong business, at proud pa, pinagmamalaki pa nila na greedy sila at kapitalista. biro mo, nakapost pa sa facebook ng iba na, “need to buy cheap items from china, triple ipapatong ko, so i can afford the new iphone 4s”… i mean…??? pinagmamalaki ba yun? or “buying more stocks for my company, more more” etc… i dont get it

  3. rah says:

    These people don’t realize, that unless they are happy with what they have right now, they will never be happy at all. That goes even if yumaman pa sila.

    Kung yon man ang balak nila, sana personal nalang nila, at wag ng ipost. Nakakainsulto naman yon ganong klaseng post.

  4. Ano kayang pakiramdam kung sobrang daming Manny Villar sa Pinas??

    • C.Seamus says:

      wala naman masama sa pagyaman Sir Jeff. pero flaunting it and never being contented, taking advantage of the poor; corrupting laws, public morals and perception just to gain more and more and more, yun ang masama.

      gaya ng oil companies, kumikita naman sila, tumataas ba sahod ng mga empleyado nila? yumayaman sila, pero they still want more and more.

Click Here To Comment!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s